Monday, October 25, 2010

To start this blog, Hi I am Ivan









my very first blog entry from a networking site


Bingo, Carbon Dioxide, Jennifer Aniston atbp.

halos magdadalawang linggo ng parang isang bote ng bingo na puno ng bato ang buhay ko… walang thrill… alam mo na na bato ang makukuha mo sa susunod na bunot mo kahit gaano katagal mo alugin ito… arrrgh predictable.

/*good charlotte playing*/

Ibang iba na ang biological clock ko, o body clock sabi ng isang malapit na kaibigan. Gigising ng alas dos o alas tres. Uuwi. Matutulog uli. Gigising ng alas syete. Babalik. Dilat mula alas-10 hanggang alas-6. cycle continues. syete.

/*6cycle mind playing*/

Nakakatuwa lang dahil lahat naman ng side trips sa buhay ko e exciting. Lahat parang planado at lahat ay gusto at ikinatuwa ko. Masaya. Maraming tao na naging espesyal pang lalo sa buhay ko kahit meron ding mga nawala. Pero kagaya ng sinabi ko, ako ay masaya.

/*bamboo playing*/

Nasasanay na yata ako sa tinatakbo ng buhay ko ngayon. Marami pa ring bumabagabag sa isip pero wa ng kwenta ang mga yon. Ibinasura ko na ang paniniwalang magplano sa hinaharap. One step at a time na. Para maiwasan ang frustration at depression. Masaya ako na malungkot na natatakot na nababagot. Nababaliw na yata ako.

/*crazy frog playing*/

3:24. Nagising ako ng mga 3:14, nanginginig sa lamig kahit summer.

Kung gaano nagiging ka-one sided ng buhay ko, ganon ko rin kagustong magkaron ng maraming maraming pagkakaabalahan na mga trips at kung anu ano pa. Labing walong taon na ‘kong humihinga at alam kong marami pang carbon dioxide ang ibubuga ko. Dapat lang na hindi maging one sided ang buhay ko. Dapat mag-enjoy. Enjoy. Chill. Ha ha ha ha.

/*pinoy big brother soundtrack now playing*/

Kamakailan lang ay ginamit ko na naman ang isang gasgas na linya na pantakip sa isang nagtatagong nilalang, masaya uli, pero pakshet.

"hi i am ivan laurence f. ignacio. you can call me ivan. i am 5′5 inches tall and weighing 137 lbs. i am an incoming junior student of the university of the philippines in diliman. i love the color blue. almost all my clothes are blue. but right now i’m going for the pink ones, those with that "tough guys wear pink" spirit. i like my chemical romance songs a lot. i am a reality show addict. i am good *ehem* in playing…scrabble. *dork* my crushes right now are jennifer aniston and rachelle mcadams."

kahit sa impression man lang e maging matino ako sa mga bagong nilalang na haharapin ko.

aaaahhhhh…. nababaliw na talaga. ibang bato na yata ang nabunot ko. isang ginto lang bibingo na ko. isang ginto lang.

No comments:

Post a Comment